Nightcap

The weekend stayed in another province
cities in peripheries, several hours
of breezy, bumpy rides on top of jeepneys:
bird shit and the occasional stampede of cats
clawing on passenger’s grip and baskets of fresh
fruits bruised against a hungry child’s feet
tapping in cadences of potholes in the población
Will I eat? Will I not eat? Will I–
stop and let the smoke belch on roadside grains
as always? Consistent as the route
the weekend had Visita Iglesia and greeted neighbors
it couldn’t remember the names and instead
cue honorifics: Ale, Manong, Kuya, Manang
never dear, never love. Passing through
an hour of morning mass means tomorrow doesn’t matter
like a threat posed but never delivered.

7 November 2014

Nicko Reginio Caluya
Kat Rodriguez

Starbucks Katipunan

Continue reading

Lumunok Ako ng Buwang Gawa sa Bakal 《我咽下一枚铁做的月亮》

Lumunok ako ng buwang gawa sa bakal
Pako ang tawag nila rito
Nilunok ko itong burak ng industriya, mga dokumento ng pagkasisante
Nagsimatay nang maaga ang kabataang nakayukod sa mga makina
Nilunok ko ang pagtatrabaho at pagdarahop
Nilunok ang tulay-tawiran, búhay na balot ng kalawang
Hindi na ako makalunok
Lahat ng aking nilunok bumubuluwak mula sa aking lalamunan
Nakabuyangyang sa lupain ng aking mga ninuno
Naging isang kakutya-kutyang tula.

salin mula sa saling Ingles ni Xu Lizhi (1990-2014)
16 Nobyembre 2014
Lungsod San Pedro, Laguna

Continue reading

Prusisyon

Walang uhaw ang mga halimaw
sa paglamon ng mga makasalanan
upang maging hapunan. Dahan-dahan

isinisiksik sa masisikip na bunganga
sa paglamon ng mga makasalanan
hanggang masaid. Hanggang mabulunan

at manatiling nakabuka na lamang
pawisan, nakatiwangwang, balot
ng hinaing at poot, hinahablot

ang mga nakalimbiting rosaryo’t
mga balikong nagkikibit-balikat.
Walang uhaw ang mga halimaw.

Hindi maaaring gamitin ang gabi
upang maging hapunan. Dahan-dahan
ang paglamon ng oras sa pagsisisi

at pag-inda ng parusa, at pag-amin:
ginusto namin ang paghihirap.
Sa paglamon ng mga makasalanan

kinakailangang may mailuwang
dalamhati bago tuluyang mapatawad
sapagkat pauwi pa lang ang lahat.

The Law of Impenetrability

fireflights:

ARTxSCIENCE served by my Doppelganger y’all! Follow her blog!

Originally posted on The Turtle Moves:

If, as science says, no two bodies can occupy the same space at the same time, then please explain to
me why there is longing.

We can experiment around this hypothesis: If I lie beside you, then at least one of us will mistake
close for whole. Possibly both of us. We will imagine breaking ourselves down to the same subatomic
particle. We will think we have found ourselves one there. The desire to believe this occurs naturally,
compulsive as breathing—

but I know for a fact our bodies would get between. All matter is impenetrable by law. There is no
cure for lonely, no more opaque surface than our flesh, and the only site of connection that matters
is made electric in the brain, jumping between synapses to initiate chemistry.

In light of these findings, you are no more than a temporary chemical imbalance, a premature
ventricular contraction…

View original 75 more words

Likha

Iniwan ako ng nanay ko dahil hindi ako ang bayan.
Sa ibang dalampasigan niya binaybay ang pag-iisa.
Sa mainit na buhangin ibinaon ang mga paa, sa maalat na tubig tumikim ng pag-asa.
Walang matitigan ang mga monumento kundi salamin at semento.
Salamin at sementong hindi makakaripas palayo sa titig ng monumento.
Lumuluha ng ulan, luluwas palungsod, nagbabalik-anyo.

Nicko Reginio Caluya
Carlo Mallari
24 Hulyo 2014

Room 714, University Residences North