Stained Glass

How much pain does it take
to become immaculate? Create

immense heat from breath, surging
inside the surface glowing orange.

Immolate the heart. Hold
with sandpaper hands until

cold. When breaking, must be
as fragile as bones. Slices

of lifelessness forming limbs,
foreign face. Against resemblance

assemble without attachment. These bodies
of work are not one to own. Cry

until tears solder them whole.
When dry, blind with sunlight.

2:52 AM
from a collection

Mga Lungsod at Ang Langit 3

Kaunti lamang ang nasisilayan ng mga nagsisidatingan sa Thekla, lagpas sa bakurang tabla, sa mga tabing na katsa, mga andamyo, mga baskagang bakal, mga lakarang kahoy na nakasabit sa lubid o sinusuhay ng mga lagarian, mga hagdan, mga kabalyete. Kung iyong tatanungin “Bakit pagkatagal-tagal ng pagpapatayo sa Thekla?”, patuloy ang mga naninirahan sa pag-angat ng mga sako, pagbaba ng mga pising tingga, paggalaw ng mahahabang hasaan pataas at pababa, habang kanilang sinasagot, “Upang hindi magsimula ang pagkawasak nito.” At kung tatanungin na sakaling natatakot sila, na sa sandaling tatanggalin ang mga haligi, magsisimulang gumuho at magkapira-piraso ang lungsod, agad-agad nilang idagdag, pabulong, “Hindi lamang ang lungsod.”

Kung, hindi nasiyahan sa mga sagot, sisilipin ng sinuman sa isang bitak ng bakuran, makikita niyang hinihila ng mga panghatak ang iba pang panghatak, niyayapos ng mga andamyo ang iba pang andamyo, mga barakilang iniaangat ang iba pang barakilan. “Anong kahulugan ang dala ng inyong pagpapatayo?” tanong niya. “Ano ang layunin ng isang lungsod na ipinapatayo pa lamang maliban kung isa itong lungsod? Nasaan ang planong inyong sinusundan, ang padron?”

“Ipapakita namin ito sa iyo sa oras na matapos ang araw ng paggawa; hindi namin kayang ihinto ang aming gawain ngayon,” sagot nila.

Natapos ang paggawa nang magdapithapon. Tumapon ang kadiliman sa lugar ng pagbuo. Napuno ng mga bituin ang langit. “Naroon ang padron,” sabi nila.

[dahil nainggit sa proyekto ng tinatangkilik na manunulat]
salin mula sa Le città invisibili / Invisible Cities, Italo Calvino, 1972
larawan mula sa https://sharingsketches.files.wordpress.com

Ang Sastre ng Kalye Muerte

Sa pag-unat ng medida alam na agad ang sukat
ng kaniyang makakaya: tantsado bago lumapat
sa balat ng yardang seda ang malapad na balikat
ng padron, palaylayan ng saya, hanggang manggas sa kapat

at sa mabilis na hagod, nagkatabas sa may tiklop.
Praktisado. Ni paglilip pantay-pantay dikit-dikit
makina pa ang napagod. Bawat himulmol at gusot
nakatago. Hindi malirip kung saan ang dating punit

ng paghablot o pagkuyom. Himala ng pasmang kamay
na kinuyumos sa pulang duruang puro aspili
at kalawanging karayom. Sa pahamak din nasanay
ang tuwinang pagbulang ng sinulid sa pagtahi.

Nang mauso ang banyagang makinang awtomatiko
wala nang nagtiyagang suki. Lahat nagsiliko
papuntang kabilang kanto, sa sale na RTW
at pantalong sinasanto, prusisyon hanggang mag-curfew.

Hindi siya nagpahuli. Sa bagay, may kurtina pa
at pundang wala sa ukay. Habang may pila, pinili
niya lamang manatili sa kampay ng mga paa,
habang sila ay naumay, nagsisi sa maling bili.

Kundi masikip, maluwang. Kundi hapit, nahubaran.
Nagsibalik ngayong buwan. Nagpatastas, binawasan.
“Sukat ko na itong baywang,” sabay higpit sa balakang.
“Sino nga ba ang may muwang sa inyong mga katawan?”

16 Marso 2015
mula sa isang koleksyon

After Warranty

I.

Switches force to congest
to smaller areas. What applies
to transistors carry over

to damage: smell of overheating
metal. Rust and dust eating
what memory occupies. Neglect

hums the noisiest when there’s nothing
left to breathe. {how sinister the logic
when denied. Language dictated

to interrupt operation, stealth
mutate, too late; mutilate no retrieval
words mean trauma no recovery

cannot handle exception return;}
still, screen in luminescent blue
then, nothing now, nothing

II.

Each year, every second
is the saddest ordinal.
Unsatisfying trophy. Cruel

repairs useless, body
returning to fragments. Every
second decays to last fast.

I become a statistic, imprecise
masquerading as unique. Error.
Raw, dead data. Between I

and my replacement:
better condition, assigned
higher value. Charge

against experience:
I was only worthy
brand new. I am programmed

to malfunction soon.

4 May 2015, 1:02 AM
from a collection

Stellar Ephemerides

Hindi madaling tumingala, lalo pa kung hindi maubos-ubos ang mga kailangang gawin. Hindi makatingin sa malayo sapagkat nakapupuwing ang alikabok at buhangin. Marami pang lalakarin, tangan-tangan ang mga salaming ilalako, mga iba’t ibang pinapaabot na mga liham at bayad sa utang galing sa malalayong bayan. Pinalilibutan ng nagbabagang linya ang kanilang mga pagitan. Kung bakit ako ang sumusuong at nagpapadarang, marahil isa itong tadhana o tungkulin, kung hindi lamang basta hindi ko lang alam kung ano ang aking patutunguhan. Minsan, pakiramdam kong pinalulubog ang aking paa upang manatili ako. Iginuguhit ng hangin ang aking pagkawala. Bawat bakas, nabubura. Nalilibing ang pinagsikapang kalakaran nang walang iniluluksang lingon. Hindi ako nagpapahinga kahit takipsilim, subalit hindi madali ang tanging kailangang gawin upang hindi mapagod:

saan mang tingin
bituin o buhangin–
iba at isa

2 April 2014
Torrijos, Marinduque
header image by Alfred Benedict Marasigan, Pilgrimage (2012).

Become

When I am not who
I am tonight, I believe
when I lie in bed. I dream
of everyone else’s gaze
and I put on my best dress:
nakedness. When I am not who
what they want me to be,
dressing up is easy. Weave
a fabric of lies spun like
sugarcoated cotton candy, as
artificial as pink. I find comfort
in cushioning. From might
to want to have got to be
who I have never been: animal
on cage, bar rusting when touched
by my licked claws. I project
my best when I perform. I am tonight.

1 April 2014
Torrijos, Marinduque
header image by Juan Viktor Calanoc, Aviary Theory (2011).