Pagbibilang

Sa 6,865,942,377 na nilalang sa mundo, 725,760
ang iba’t ibang paraan upang magkatabi ang dalawa
sa 10 uupo sa hanay ng 10 upuan. Ibig sabihin
2,903,040 ang iba pang paraan
upang iwasan ang isa. Dahil minsan lamang
ito maganap, ipagsisiksikan ang sarili
upang maging masaya. Kailangang isakripisyo
ang 210 araw sa paaralan, 15 sa mga ito
ay hindi na kakain upang makapagbigay
ng pipitsuging bulaklak na malalanta lamang
pagkatapos ng 22 oras. Bukod pa rito, P 49.00
ang mawawala sa palad para makarating sa lugar
na 12 kilometro ang layo mula rito, ngunit siyudad pa rin
naman ang makukuwadro sa mga bintana.
Hindi ang isa’t isa. Sa ngayon, 1,640 araw, 22 oras
na siyang nagluluksa, patuloy na binibilang
ang mga panahong anino lamang niya
ang kanyang kasama, walang payong
sa 96 – 406 sentimetro ng ulan,
walang kasiguraduhan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s