Ang Buslo ni Amos

Puro prutas na pinitas
at piniling butil ang naiwan

sa buslo ni Amos. Lubos
ang pagsusumamong maubos:

pulang puso ng granada
sa pagkakasala ng sanlibutan,

itatago sa mga igera ng igos
ang mumurahing kahihiyan,

mga binhi ng ratiles na bubunga
ng mga tirahang sagana, ang olibo

bilang pagkabuhay at babala
sa libu-libong hindi nabahala

sa baha, sa pagkakatas
ang basi magmumula sa ubas,

pinagtitipon sa trigong
magiging tinapay, at kung malasin

man o maghirap, sebada na lamang
ang tinapay na paghahatian

sa pighati ng libu-libo. Ipagtira man
ang bawat bunga, butil at buto

ng mga bangkay ay nananahimik
lahat sa munting sisidlan, nabubulok

at natutuyo habang lumuluha
ang Israel sa hinog na panahon.

One thought on “Ang Buslo ni Amos

  1. general rule: tanggalin ang lahat ng adjectives. Hayaan mong maging adjective ang pandiwa (kasi pan-diwa ito’t kasama sa kilos ang diwa ng nais iparating). At saka, maaari mong igsian ang mga pangungusap, upang maging mas ganap ang pahayag.

    Sulat pa tayowz!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s