Utonium

1. Magsisimula ang lahat sa kaputian: ang iyong suot na unipormeng ginagawa mong pambahay. Ibubuhos rin sa iyo ang asukal na nilagay mo sa lutuan, magtatago sa bulsa, manggas, sa palibot ng butones. Ikaw lamang ang marurumihan sa  buong kabahayan. Walang maghihintay na bisita, ngunit magtitiyaga kang magluto.

2. Susubukin mong buksan ang pinto, at marurumihan ang sahig dahil sa alikabok na dala ng hangin. Pagdating ng panahon, hindi mo na iisipin ang pagiging malinis dahil wala rin namang ibang makapapansin. Daragdagan mo ng pamintang durog, mga dahong panrekado, upang hindi na puro puti ang iyong hahaluin.

3. Aanyayahan mo ang mga hindi mo kilala: papatuluyin mo ang bahaghari upang umulan ng kulay. Mga bituin, buwan, laso, unan, laruan: mga alaalang hindi iyo, ni walang kaugnayan sa mga tuwid na linya ng iyong katawan. Lulutuin at hahaluin ng mabuti ang mga alaala ng mga batang babae, mga alaalang matagal mo nang inasam mangyari.

4. At sa pag-aakalang walang darating, ang kamay na hindi iyo ang matatapon ang kemikal na matagal mo nang ginawa at itinago. Hindi mo na matatanggal sa iyong niluluto ang kaitimang magiging sanhi ng pagwawakas. Sa pagkulo nito, hindi mo aasahan na ang pagkasira at pagsabog ay magdudulot ng panibagong liwanag. Hindi mo na maipaliwanag.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s