Pagsuklay

Habang hindi pa natutuyo
ang aking buhok, sinusuklay
ng kamay ang mga hibla

sa pag-aakalang tuwid pa rin
ang ayos. Nagsimulang kumulot
at pumulupot sa pagitan

ng bawat daliri: mga baging
na dumidilig sa magaspang
at malapad na palad.

Wala namang pumapansin.
Wala namang nakapapansin.
Kaya iibahin na lamang ang paghawi

ng luha sa pisngi, bakasakaling
ibang kapalaran naman
ang kakalaykayin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s