Xerex

Alam mo na marahil ang kuwento ng buhay ko habang ipinagyayabang ang aking katawan: ang matang nakatitig sa bawat titik kung gaano kalaki, katigas at kahaba. Marahil iyon lamang ang maiiwan sa iyong alaala kapag matutulog ka na. Sa kama, may hahablot na lamang ng iyong saplot. Hahawakan ka rin at bubulungan ng mga talinhaga tungkol sa pagmamay-ari ng isa’t isa. Uungol ka ngunit walang ibang nakasasaksi sa nilikha mong panaginip. Sa bagay, aabangan mo lang naman ito: ang pagpasok-labas ko sa iyo, kung anu-anong posisyon at pahamak ang nangyayari, kung anu-anong posisyon at pahamak ang nangyayari, kung anu-anong posisyon at pahamak ang nangyayari, hanggang magsawa ka na. Namumula na ang iyong panga, nangangalay ang hita, at halos umiiyak ka na sa hapdi.  At dahil babanggitin ko ang pawis, dugo at laway sa sinusulat ko, nandiri ka at inabangan mo na lamang ang pagsirit ng aking likido. Hindi mo na nakayanan. Pagbaba ng diyaryo, nasilaw ka sa matinding sikat ng araw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s