Talipapa

Walang gitna ang talipapa: wala namang sinusunod na direksyon, linya, kalsada ang mga nakaparada’t humaharurot na sasakyan; kahit ang mga tindero’t tindera sa mga nilalatag nilang gulay, prutas, laruan, kinulayang sisiw, pang-ipit, suklay, salamin, VCD, DVD ng concerts, movies, songs, at iba pa sa kanya-kanyang karitela, lamesa, banig, kumot, at iba pa; magsisidagsaan, makikiraan, makikipagharutan, maghahabulan (na pwedeng magnanakaw na rin), maglalakad, mamimili ang mga tao mula sa malayo, sa kabilang kalye, kanto, abenida, bayan, lungsod;

yumanig ang lupa at itinuro ko kung saan nagkaroon ng isang malaking butas at nalaglag ang semento, bakal, plastik, dahon, dugo, balat, laman ng talipapa: wala nang lumapit pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s