ホワイトデー

Matapos ang Araw ng mga Puso
naubos na marahil ang tsokolate
mula sa kinalalagyan nito.

Matapos ang Araw ng mga Puso
marahil wala na ang kaputian
ng pinitas at nalantang rosas.

Matapos ang Araw ng mga Puso
hindi ko muna pinilit magsalita.
Pinilit ko munang hindi magsalita.

Matapos ang Araw ng mga Puso
alam kong sabik ka nang matuto
upang hilumin ang mga ito.

Matapos ang Araw ng mga Puso
nagdaan ang isang buwan
sa iba’t ibang mukha nito.

Matapos ang Araw ng mga Puso
kahit ako muli ang magbibigay
sana hindi mo ipamimigay.

Matapos ang Araw ng mga Puso
narito ang lahat ng mga tula
sa lahat ng bagay na ikaw.

Maligayang Araw ng Puti sa lahat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s