Kamatayan ni Aquarius

Mamamatay ka ngayong gabi. Bangungot
mula sa pagkakainom ng ilang basong tubig

bago matulog – sariling paglunod. Sa dagat
matatapos ang panaginip, sa pagsisid mo

sa pusod nito, para sa perlas sa pusod
ng isang sirena. Aawitan ka niya roon

ng malamig na huling himig, mamumutawi rin
sa iyong bibig ang mga kumakawalang bula

na aahon mula sa lalim ng iyong paghimbing.
Sa kamatayan, ikaw ang sarili mong tapayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s