Pagsasanay:

Nasasanay na akong manghiram. Kung kani-kanino ako
nanghihiram ng mga salitang ni hindi ko man lamang
nalaman sa aking mga magulang, ngunit nilalaman

ko sa mga tulang minsan walang laman o wala naman
sa aking gulang. Tulad nitong lapis na hindi naman putol
o mapurol ngunit tinatasahan, na dahilan naman upang maputol

ang pangungusap, ang kausap, ang  nangungusap. Tila mata
ng bagyo, pinalilibutan tayo ng mga ulap na abo. Inaapuhap
ng nababasang kamay ang nawawalang payong bawal

magkakalawang ang bakal na hawakan. Kaya nang wala na
talagang mahiraman, hinawakan ko ang kawayan at hanggang
ngayon, ang nahiraman ko ng mga salita, hindi ko pa nababalikan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s