Barangay Poblacion I

Hindi na naaabot ng batingaw
ang mga bintana ng mga kabahayan
sa ingay ng mga nakapalibot na sasakyan
ngunit lumalapit ang mga parokyano

mula sa paaralan, pagamutan,
munisipyo, pamilihan, bagsakan,
luwasan, liwasan, hospisyo,
patungo sa bughaw na ilaw ng krus.

Binuksan ang pinto ng lumang simbahan. Sa labas

tila alitaptap ang biglaang pagsindi
ng mga kandila at gasera, ang ritwal
ng pagtawag sa mga nagdaraang tila
kaluluwa, ang paanyayang manatili

at bilhin ang mga tindang dugo’t laman,
pampaputi, pang-akit. pampalaglag,
pampabata, nakasalansan sa botelya.
Bakasakaling magkatawang-tao sila

sa aamining kasalana’t malisya. Sa labas,
hindi marinig ang homilyang tungkol
sa Utos ng Diyos, ang paring hindi makita
sa loob ng simbahan, sa gitna ng altar.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s