Torrijos

Nakaakbay kang wari kumot
sa aking mga balikat. Ako dapat
ang gumagawa nito sa iyo.

Nakisuyo tayo sa tindera
ng suman, pilipit, puto’t kutsinta
upang kunan tayo ng litrato.

Magkasabay ang pagkisap
ng liwanag ng kamera
at ng mga mata.

Magkasabay ding dumampi
ang simoy ng dagat
at ng iyong labi.

Pagkakuha ng litrato,
tumalikod tayo.
Inakbayan kita

habang pinanood
kang pinanonood
ang paglubog ng araw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s