Meron Akong Tula, Mahabang-mahaba

I.

Meron akong tula, mahabang-mahaba
akin lamang ito, at hindi sa kanya.

Kung pag-aangki’y tangkain, babala:
Meron akong tula, aki’t di sa iba.

Kung bansag sa aki’y huwad, gaya-gaya:
Meron akong tula, tunay at sariwa.

Kung malait pang sukdol walang kuwenta:
Meron akong tula, ikaw, mayroon ka ba?

II.

Meron akong tula, mahabang-mahaba.
Hindi ito bugtong, ni hindi pahula.

Kung ito’y bugtong, ‘tong tulang mahaba,
Ano’ng kasagutan, malalaman mo ba?

III.

Meron akong tula, mahabang-mahaba: nakarating na mula bayan hanggang dampa
sa pusod ng lungsod patungo sa dagat: sa dalampasigang wala nang hangga
‘Di tulad ng tula ko, aking hininga: Meron akong tula, mahaba’ng pasensya.

2 thoughts on “Meron Akong Tula, Mahabang-mahaba

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s