Soneto ng Probinsyano

Paangkasin ang buong pamil ya
Sa dyip ko: gilid man o bubong pa
Ako ang s’yang magmamanibela
Tumabi ka sa akin, asawa!

Sa simbahan sa gitna ng bayan
Ika’y ibababa’t ipapasan
Kamay mo’y hingin sa’yong magulang:
“Ako po’y gawin ninyong manugang!”

Sa altar, pangako’y sasambitin
Walang hanggan kitang iibigin
Sana ang pangako’y ganoon din
Tula ko’y ikaw ang aawitin!

Wala man tayo sa Inglatera,
Basta’t kapiling, tangi kong reyna.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s