Dahil Mahal Kita,

hindi ko aaminin ang aking kalungkutan. Binilang ko
kaagad ang mga araw ng ating pagsasama

at itinapon ang kung anuman
ang minsan nilang dinala. Tinatanglaw

ng liwanag nitong silid ang pagkawala, ipinaaalala
sa akin ang kawalan nito ng silbi. At bumabalik tayo

sa nagdaang panahon; na ngayong nasasalubong kita
o dumarating ka, kung anumang nananahan dito’y

nakaalis na. Nahanap ng mga ibon
ang daan upang maligaw, at hindi kaya ito

ang ipinunta mo upang gustuhin?
Upang panatilihin ang puwang na kailangan kong maging

interesado lamang sa kawalan. Pansinin,
Sinta, hindi ko man lamang nahawakan ang iyong kamay

tulad nitong tulang walang pangalan.

5 thoughts on “Dahil Mahal Kita,

  1. i will forever be a fan of your works. nicko caluya, you leave me aslkasdjlfkjasf. still hoping to have the same passion in writing like you.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s