Tinikling

Mula sa kawayang hiniwa
lumayo ang isa sa isa pa
lamang walang muwang. Puwang

ang namuo sa pagitan
ng mga nahulog na sanga
na pinag-uumpog ng amihan.

Binalot din sila ng kasuotan
mula balikat hanggang sakong
bago pa pagnasaan ang kahubdan.

Sa pagdama ng init mula
sa lupa, umangat ang mga paa
at gumalaw sa kabilang panig

ng gumagalaw ding kawayan.
Tumitig ang isa sa isa pa
nang hindi iniinda ang sakit

ng pagkaka(pili)pit. Pilit
isinisiksik ang sarili
sa sayaw na mapanganib.


Matapos basahin ang “Estela Maris, Estela Luna”, isa sa mga kabanata ng nobelang “Ang Sandali ng Mga Mata” ni Dr. Alvin B. Yapan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s