Aparador

Parating nakanganga
ang bunganga ng aparador
kahit anong pagpinid.
Sa mga damit na pilit
isinisiksik sa maliit
na silid, nasa isip mo

ang matagal mo nang balak

na piliin ang binili mo pa noon

ngunit isinantabi sa kaloob-

loobang sulok. Hindi maisuot

ang ninanais sa takot makita

ang mapanghusgang mata.
Hanggang sa napuno ka,
naiiwang nakatiwangwang
ang hindi na maisabit
na pananabik. Sinambit
sa sarili: Hindi ko na kaya,
nawawalan na ako ng lakas
ng loob
.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s