Sa Pinakamahabang Gabi

ipinaaalala sa akin ang kaiklian
ng mga nagdaang gabi, magkatabi

at masaya, hanggang sa tahimik
na pag-uwi. Hindi sapat ang paalam

upang wakasan ang mga nalalabi
pang dilim ng hatinggabi. Inaalala ko

ang liwanag ng iyong mukha, at kung paano
ito unti-unting pumapanaw bawat gabi.

Tulad kanina, sa kawalan ng bintanang tatanawan
naglakad ako palabas ng bahay, tumingala.

Humaplos sa balat ang matinding laming,
walang ibang ibinulong kundi: nawawala na siya.

Sa sandaling tatalikuran mo na ako,
mamahalin kita sa anumang anyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s