087

Pinauuna mo akong parang hindi maginoo
tuwing sasakay ng traysikel pauwi.
Wala naman akong magagawa

kundi ngumiti na lamang at hindi umimik.
Sa bughaw na ilaw, ikaw lang ang kita.
Susuungin natin ang kawalan

ng mga sasakyan sa kahabaan ng Katipunan
ngayong madaling-araw, at sa lamig ng
hanging pumapasok na nagpapalakas

ng aking loob na dumantay sa iyong balikat
dahil ‘di ko alam kung saan hahagilap
ng anumang mailulukob sa iyo.

Ilang beses ko na ring binalak na ikulong ka
sa aking yakap at manatili, manatili
sa aking tabi. Saka hihinto

sa tabi ang traysikel na parang mundo,
manghihingi ng bayad sa paghatid.
At talagang sagot mo pa rin

ang aking hinihintay. Sa susunod na
pagkakataon, uunahan na kita,
ang aking hinihintay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s