Kuya,

alam mo namang malayo
ang pagitan ko patungo
sa iyo, higit pa ngayon

sa kung ano ang ipinapalabas
sa tabing. Hindi ko alam
kung nandiyan ka talaga

o kausap ang lahat at wala:
ang malawak na karagatan
na sinasakop ng iyong mata.

Nakikita mo naman kung paano
ako sumusunod sa utos, panuto,
sa pangangailangan kong matuto

sa pakikisama at paghihiwalay.
Laging malungkot mag-isa, kaya
susubukin kong subaybayan ka:

kung kailan ka mabubuhay
sakaling hindi ka na patnubay.
Para naman malaman mong sa huli,

minahal rin kita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s