Epithalamion

Pakakasalan ko na ang gabi
at hindi mo na ako maaari

pang balikan. Aking hahalikan
na lamang ang ambong humuhupa,

kalilimutan ka nang unti-unti
sa paglanghap ng alimuom ng kalsada.

Wala na tayong iisang salita,
hindi na ako mangangakong muli dahil

hindi ko maaako. Manatili sana
ang tulang ito bilang huling habilin

sa mga araw na hindi na akin
ang aninong lililim sa iyong katawan,

at kailangang isumpa ang bahaghari
sa pagkawala mo nang tuluyan.

Day 3, 9:54:30 PM
San Pedro, Laguna

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s