Lila

Naghasik na naman ng kasiyahan
ang payaso sa maliwanag na bulwagan.

Nakatayo ang hari sa mataas na asotea,
nakahimlay sa trono ang robang seda.

Nakaabang ang madla sa huling salamangka —
ang pagpapalit-anyo ng kanyang mukha

kapalit ng sinumang kanyang matipuhan.
Sa kanyang kamay na kinumpas, hinipan

ang kanyang pisnging naaagnas sa luha,
at itinuro pataas sa haring nakatawa.

Nakukulambuan ng lila ang kaharian.
Nakukulambuan ng lila ang kaharian.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s