Babang-Luksa

Hindi na tayo tumitigil
sa iisang lugar, humahakbang
sa araw-araw na panganib

na dala ng paggalaw at banggaan
ng mga kapalarang iba-iba ang tangan.
Kahit ang pag-usbong at pamumukadkad

ng mga payong sa tabi ng daan,
hindi tumitigil sa pag-iwas
mula sa pagbagsak ng ulan

at sa mga ginagawang sanaw
sa mga butas ng kalsada.
Hindi na tayo tumitigil

dahil wala na rin namang silbi
ang pag-inda ng minsang hapdi
na dulot ng pag-alis nang sandali.

Day 11
11:04:39 PM
San Pedro, Laguna

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s