Patibong

Sa pagkakataong ito, hindi na maiiwasan
ang banggaan niya sa kanyang mga iniwan.

Saka lamang mag-aabala kung saan huling nilapag
ang dala-dalang payong kung kalian umuulan

at walang masisilungan. Wala na ngayon
ang kabataang nakakuwadro sa larawang

kasama ang kababatang naging kasintahang
dati pa niyang kinalimutan. Magsasalubong

ang kanilang landas hanggang sa mapatid
ang kanilang titigan sa kanyang paglisan.

Magpapatuloy na lulusawin ng tubig
ang mga gusali at ilaw ng kalunsuran.

Tayo ang gumagawa ng sarili nating
paraan upang malungkot at masaktan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s