Pagbasa

Magsisimula ang panibagong kabanata
sa masusing pagmamasid sa paligid
bago tuluyang ipinid at ikandado
ang pinto. Mapababayaang bukas
at malamlam ang ilawan sa silid
sa madaliang pagkuyumos at higit
na pagtupi sa bawat patong na suot
na kunwaring may maselang kumot
sa matigas na papag. Wala na siyang
iba pang matitigan kundi ang hubad na
katawang matagal nang pinagnanasaang
mabasa ng daliring pinahiran na ng laway,
malanghap ang mga bahaging bagong buklat,
matuklasan ang muling salaysay sa kasaysayan
ng bawat nagdaang salitang tahimik na nakadiin
sa kasalukuyang pahina. Babaybayin ng pandama
ang bawat pangyayari, hanggang hindi na mapigil
ang pahimakas na mapupunit. Wala siyang masabi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s