Manman

Nakaharap sa abenida
ang lahat ng bintanang bukas
o gawa sa salamin, ng mga gusaling
pilit iniisahan ang iba: ang aabutin
ng kanilang tayog at lawak
upang maangkin ang bawat
nagmamasid, ang itatagal nila
bago tuluyang bumagsak
sa kalsada ang kanilang tingin
kasama ng kanilang katawan.
Kailangang maranasan ang pagkilala
sa pansin: walang panganib
hangga’t walang matiyagang mamanman.
Walang may kasalanan sa banggaan
ng mga sasakyan, ng iba’t ibang titig
hangga’t walang saksi sa atin.
Maraming nililimot na aksidente
dahil sa pagpikit — iniinda ang sakit
na mula sa matinding awa o galit.
Magdamag tayong inaabangan
sa bawat sandali ng lungsod,
sa lagi’t laging pagnanais
na sa bawat paglingon at pagtingala,
pagyuko at pagkurap, may masasawi
at masasawi pa rin.

26 Hulyo 2012, 10:00 N.G.
Saints’ Alp

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s