Pananakop

Iisa lamang ang kulay ng langit,
ng lahat sa labas ng bintana.

Sa gabi naglalaho
ang mga lungsod-ilaw
sa kapal at labo
ng ulang sing-itim
ng imbornal na barado,
walang sumasapaw
sa anino o sa baho

at patuloy na aanurin
ang kalawanging yero
at magdurugo ang binting
lumulusong sa baha,
mananatili kasama
ang kirot at hapdi

sa umaga ang malamlam
na pula, nagbabadya
ng pag-apaw ng tubig-
putik-lusak sa pampang

at patuloy na lulunurin
ang salaming ipinipinid
ang nagmamasid sa sumisisid
na simula kaninang tanghali
hinahahanap ang kamag-anak
na nawawala, na lilitaw

sa hapon bilang maputlang halo
ng abo at puti, kakulay
ng bangkay na natagpuan
sa pagkati.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s