Kasagsagan

Lagi na lamang siyang nagpapakita
sa tuwing binabanggit ang mga mata
ng bagyo, mga dalang pananalasa

sa nananahimik nating lalawigan,
mabilis nilulunod ang kabukirang
sinasalamin ang abong alangaang

at pinauunawa ang sansinukob:
Huwag nang tumakas! Anumang paglusob,
mananatili sa mga munting lukob

ng mundong ito, wari palad ng Maykapal,
nakalahad, ninanais na magmahal
at mag-ingat, higit sa pagkakasakdal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s