Diplomasya

Maingat niyang pinipili
ang mga salita, kung paano
pagsusunud-sunurin
at aayusin upang magkasundo.

Walang pagkakataong
mabura at muling ihanay.
Hindi na mahahawakan
ang minsang binitiwan
at nahulog. Mauuwi

sa isang anyo, magkakakulay
ayon sa kung sino ang sumambot.
Hindi ito mananatili
sa mga palad: anong papel
nito, ngayong pinagpapasahan
na ng bibig?

Maingat niyang pinipili
ang pananahimik.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s