Sampagita

Doon sa amin, sinisiguro naming mag-iiwan kami
ng sariwang bulaklak sa paanan ng estatwa. Lagi kong tinatanong
ang nanay ko kung ano ang ipinagdarasal niya. Sabi niya
para sa kanyang mga anak, na sa paglisan namin, maalala naming
tahanan ang kung saan siya nag-aabang naglalala ng panlamig
at may koleksyon ng aming mga larawan upang damayan siya.

Ilang taon na rin nang sinuman sa amin ang umuwi at dumalaw.
Ngunit bawat Linggo, naglalakad ako patungong simbahan. Isang matandang babae
ang umaaligid sa mga kalsada upang maglako ng mga bulaklak na isasabit mo
sa iyong kotse para sa kaligtasan o ialay mo sa nakalahad
na kamay na marmol, para sa sandaling humiling ka ng kahit ano
nakasisiguro kang maririnig ka ng mga santo. Naalala ko
ang pagtatanong sa kanya kung sino ang kinakausap niya habang nagdarasal.

Hinihiling natin lahat ang anumang hindi maabot
ng ating mga kamay na sa halip pinagluluhuran sa panalangin
sa isang Siyang hindi pa natin nakikita. Palagi itong pareho
saanman ako naroon. Kung saan-saan na rin ako nakarating upang mapanood
ang mga taong nagdadaop ang mga palad. Huwag mo akong tanungin kung naniniwala ako.
Hindi ko pa napapansing nasasagot ang anuman sa kanilang mga panalangin.
Humayo ka kung hindi ka naman bibili ng mga bulaklak mula sa akin.

mula sa “Sampaguita” ni Kat Rodriguez

From where I’m from, we make sure to leave
fresh flowers by a statue’s feet. I often asked
my mother what she’s praying for. She said
for her children, that when we leave we’d remember
that home is where she’s waiting knitting sweaters
with an album of our pictures to keep her company.

It’s been years since any of us went home to visit.
But on Sundays, I walk to the church. An old lady
roams the streets to sell flowers for you to hang
in your car for safety or offer to an outstretched
marble hand, so that when you wish for something
you’re sure to be heard by the saints. I remember
asking her who she’s talking to when she prays.

We all wish for something we can’t reach
with our own hands that instead we kneel in prayer
to a You we’ve never seen. It’s always the same,
wherever I am. I’ve been many places to watch
people fold their hands. Don’t ask me if I believe.
I’ve never seen any of their prayers answered.
Go along if you’re not buying flowers from me.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s