Langhap

Minsan nang nanatili ang usok
na dahan-dahang nahulog
mula sa iyong labi pumaimbulog
at humalo sa hangin ng lungsod
hanggang nakarating sa alapaap
na binihag ang liwanag ng araw
at nagbadya ng pagdating ng lamig
ng ating mga mata, mga damdaming
lumiligamgam, mga sandaling sadyang
kinalimutan nang hindi nagpapaalam.
Paano nga ba umasa kung ang daloy
ng usok ay laging papalayo? Sinabi mo,
hindi ka mabubuhay nang hindi humihithit
dito ka lamang nakahahanap ng init
at pagtakas: sa bawat pagkulong
ay may paglaya ngunit nauutal
at nawawalan ng hininga upang ialay
sa lungsod na patay na’y binubuhay pa.
Panalangin ang bawat buga, ang bawat
nananatiling pinipiling pinapaubaya.

kasama si Mo
27 Setyembre 2012
Persepolis, Katipunan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s