Sa Pagkahalimaw

Mananatiling halimaw ang bawat isa
sa matinding paghahangad na mahalin
din tayo ng iba.

Wala tayo kung wala
ang ating mga imahen, kung wala ang larawan
ng ating mga kaluluwa ng kung sino
ang inaakala natin ngayon, o maging
sa kinabukasan —

I.

Matikas niyang iniharap ang katawan
sa salamin, inaaming nais niya lamang
angkinin ang mga titig sa kabilang panig.

II.

Nang hinirang ang hari ng gabi,
kasabay ng pagkakait ng liwanag
ang pananakop niya sa teritoryo
ng anino at dilim.

III.

Alang-alang sa iba pang mga mata
isasalang ang sarili sa init at silaw
ng kamerang nakaabang upang kunan siya.

IV.

Ang kulot niyang buhok ang naglilingkod
bilang koronang putong sa kahariang
kinalbo ng kanser na salot.

V.

Tinubuan ng ugat ang kanyang mga paa,
nagbabakasakaling mabubuhay pa
nang muli ang loob niyang hindi na gumagala.

VI.

Nagsitiklop ang mga tuhod, mga palad
na ilalahad, upang mapagbigyang tuluyan
ang ikinaliligaya niyang kasalanan.

VII.

Mga lumuluwang dibdib at bilbil
ang haing tsismis ngayong gabi
sa mga bibig na sa kababuyan dumidildil.

8 Oktubre 2012
Jollibee Katipunan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s