Tanaw Mula sa Punta Fuego

Hinaharap ko ngayon 
ang dagat sa kanluran, ang pinaglulubugan

ng bawat araw, tapat na sumasalamin
sa buwan. Sa kabila ng minamahal

na liwanag ang kadilimang sa paghawa
nahahawi ang hiwaga: lumalantad

ang pagkati ng tubig-alat.
Sa pagsugat sa maselan

nitong balat, lumalapit
ang paglapat na mukhang

iisa ang lukob at abot-tanaw.

Maghihilom ang hapdi
sakaling ipaubaya

ang pag-apuhap
sa kinabukasan.

24 Oktubre 2012
12:07 n.u. Punta Fuego
Nasugbu, Batangas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s