Quadrantids

Wala akong makitang bulalakaw
simula kagabi. Dinig ko lamang
ang karipas ng mga sasakyan
sa Katipunan, at ang paghikbi
ng isang kaibigan. Sa aking tabi,
higit na makulimlim ang kalangitan.
Hindi ko man alam ang dahilan,
patuloy niyang iniluluha
ang mga patak ng pangungulila,
nagniningning habang naglalakbay
sa kanyang mukha bago mahulog,
matuyo, maglaho. Sa kanyang tabi,
ang lamig ng lumalaking agwat
sa pagitan nila. Wala akong makitang
bulalakaw na hindi nawawala.


para kina A at K
7 Enero 2013
Jollibee Katipunan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s