Katanyagan, Ilang Pagtatangka

1. Mag-abang ng paparating na tren. Hamakin ang dilaw na linya. Sumaibayo.
2. Sumama sa hangin at buksan ang bintana: mangarap maging maselang saranggola.
3. Gumawa ng siga sa gitna ng mga nagtatagpong lakaran. Silaban pati sariling paa.
4. Lumundag mula sa tuktok ng gusali. Masdan ang mga tala habang papahiga sa aspalto.
5. Manawagan sa ibabaw ng balustrada ng tulay. “Ako ang pinakamagaling na sirkero ng siyudad!”
6. Punitin pababa ang mukhang nasa tarpaulin sa billboard. Isukbit sa likod na parang roba.
7. Gawing palosebo ang poste ng kuryente. Gawing alambre ang tatawiring mga kawad.
8. Pumustura habang naglalakad sa kahabaan ng isang highway. Suotin ang paboritong damit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s