Umuulan sa Lupang Arenda

kapit lahat

sa lumulubog
na mga paa

ng mga unang
pa(la)pag

na hindi na
madaraanan

ng pananalasa
ng murahan sa

pautangan kaya buwis-
katawan sa sugal

ng paguran sa pagawaan
uuwing luhaan

pawisan duguan
hanggang humalo

sa semento at alikabok
maglulusak sa palad

na hindi pinalad
makahanap ng bakal

na nangangalawang
upang ipatakal

sa timbangang
hindi patas tulad

ng kanilang balikat
na papasan ng tambak-

tambak na alalahanin
sa mga kalsadang

hindi pumapa(na)tag
ang hinaharap

at patutunguhan
ng walang humpay

na paghampas
ng mga ulan sa mukha

ng kahirapang
kapit lahat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s