Mula sa Kawalan ng Panahon

Puno ng mangga
lagi nang pausukan—
buntis ang buslo

Kulay-kalabaw
ang langit nagpapawis
sa alinsangan

Ang gamu-gamo
alipato sa sulo
ng ilaw-poste

Sa bawat butil
ng ipinunlang palay—
patak ng ulan

Bangkang dumaong
huli na ang balita:
banyerang hungkag

27-28 Mayo 2013
Las Pinas, Metro Manila
San Pedro, Laguna
kabilang sa koleksyong
改善

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s