Myopia

We can only see a short distance ahead, but we can see plenty there that needs to be done. – Alan Turing

Pagtitig sa mumunting
mikrobyo o bituin, pikit
ang isa bago makita

ng kabila ang malinaw
na larawan. Nang itanghal
ang anumang natuklasan,

walang ibang lumingon
sa obserbasyong idinulot
kahit sa ikli ng panahon.

Walang ibang mapansin
kundi mga nakaaantok
na bilang at titik.

Kung maraming magagawa
sa abot-tanaw, ang iba
pagod at nahihimbing na.

Ngunit may nangangarap ding
lumipad sa himpapawid,
bumangon sa matinding sakit,

nagpapaliwanag at gising
hanggang magretiro
ang antipara’t salamin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s