Gold Medalist

sa kuwadrong tabingi
bumibigat nang unti-unti
ang mga palamuti
tumatagingting
sa dingding
sa hampas ng hangin
nagpaparinig
na walong taon na rin
ang kanilang paglambitin
at nang huling linisin

wala pang naiipong
alikabok sa lasong
dating pabigat sa batok
at wala pang
kinakalawang
sa mga tinggang
pininturahang
ginintuan

sanay na siyang
manghinayang
sa karangalang
nasasayang
nagpapabigat lang
ng kalooban

tinatakpan
na lamang
mga matang
luhaan
walang ibang
nasa isipan
kundi masigabong
palakpakan

mula sa Honorable Mention
12:09 AM, Oktubre 30, 2013
San Pedro, Laguna

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s