Higanti

Noong maitaguyod
ang bayan, nagdagsaan
ang mga tao. Bukod
sa pagtabon ng daan,
itinayo ang lungsod,
gusali, pagawaan,

at mga monumentong
lupa ang pumapasan.
Nang hindi makontento,
humukay pa ng guwang;
binaon ang imbentong
kanal, kable, at daan.

Sinong hindi tatanim
nitong puno ng poot,
hinayang at panimdim
gayong pinalulusot
ang naghasik ng lagim
sa lupaing hinakot?

Binubungkal ko ngayon
ang mga humuhungkag
na kalamnan at buong
nilululon ang basag
na pagsigaw ng tulong.
Wala nang punsong tibag.

4-12 Abril 2014, Lungsod ng San Pedro, Laguna

(sorry for the vomiting hiatus, I was assigned to a new project for work!)

Giant / Revenge

People flocked
when the town
was founded. Aside
from the road cover,
the city compounded:
buildings, factories

and monuments
the land carried.
Getting discontented,
they dug hollows;
buried their inventions
canals, cables and walkways.

Who would not plant
this tree full of hate,
regret and distress
while letting those
who sow dread
with grabbed land?

I am ransacking
the emptying
stomachs and wholly
swallowing the broken
screams of help.
No more mounds destroyed.

12 April 2014, San Pedro City, Laguna

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s