Mga Itim na Mapa

Hindi pagdalo ng mga bato,
ni masigabong hangin,
ang magpapabatid sa iyong
ikaw ay dumating,

ni dagat na nagdaraos
lamang ng pagyao,
ni mga bundok,
ni mga namamatay na lungsod.

Walang sa iyong magtatakda
kung nasaan ka.
Bawat sandali lunang
hindi mo pa nadaratnan.

Makalalakad ka
naniniwalang nagtatapon ka
ng liwanag sa iyong paligid.
Ngunit paano mo mababatid?

Madilim parati ang ngayon.
Itim ang mga mapa nito,
umaahon sa kawalan,
naglalarawan,

sa mabagal nilang pag-angat
sa kanilang sarili,
sarili nilang paglalakbay,
nitong kahungkagan,

ang mapanglaw, mapagtimping
pangangailangan nitong pagkayari.
Sa pagbangon nila sa pagiging
sila ay hininga wari.

At kung inaral man lamang sila
ito lamang ay upang matagpuan,
huli na, anumang isinaisip
na iyong pananagutan

hindi umiiral.
Hindi tinandaan ang iyong bahay
sa kahit anuman sa kanila,
ni iyong mga kaibigan,

inaabangan kang magpakita,
ni iyong mga kaaway,
itinatala ang iyong sala.
Ikaw lamang ang naroon,

nangungumusta
sa magiging sino ka,
at ang damong itim
tinatangan ang mga bituing itim.

salin mula sa tulang Black Maps (1970) ni Mark Strand (1934-2014)
1 Disyembre 2014
Katipunan, Lungsod Quezon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s