Barangay Población II

Bihagin ang sarili sa pag-iisa. Paligiran

ng mga bambang, dingding, ladrilyo,

toresilya, kanyon, bubong. Tibagin

ang dayuhan bago makabangon. Bawat

hakbang papaloob panibagong

patibong. Sa paghila ng sangkalan

ilang bintanang titiklop. Bawat imik

ng tao po, walang nagpapapasok. May dupikal

subalit walang insensong umuusok. Walang

dalangin kundi alikabok. Kabayong umiiskape,

nakataparoro, bakal na lumalagatok. May hukay

subalit walang katabing lapida o puntod.

Ligtas dito sa hindi makitang lungsod.

12 Marso 2015
Katipunan, Lungsod Quezon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s