Inhenyeriya

Ano ang gusto mong maging?
Magsuot ka ng terno. Isilid

ang sarili sa malawak na musoleo
ng opisina. Mag-asam ng mataas

na suweldo na singtaas nitong gusaling
bakal at salamin, na sa malapitan

kinakalawang pala at inaagiw. Ngalayin
ang mga paang nagsusumikip

sa pudpod na sapatos. Magpauli-uli
sa kalalakad. Ni hindi man lang makalipad

tulad ng mga anak ng kapitbahay
na kung anu-ano ang mga pamagat

at lisensya at kung saan-saang
sulok ng mundo nababalitaan

ang sikat na ngalan. Hanggang nandito ka
lalong hanggang dito ka na lang

sa katahimikan ng basta wala kayong
masasabi sa akin
, buka ng tuyo mong bibig.

Dito, malamig na impiyerno ng mga problemang
idinisenyong hindi basta masasagot ng tama

o mali, mali na naman, kaya uulitin
sa simula. Ano ba talaga ang gusto mo

maging? Kaya di ka muna mangangarap
hanggang di ka pa tapos sa mga gawa

na dapat para kahapon. Sa pagod, bukas
na lang itatambak lahat. Bukas na lang

kumain. Saka na ang saya. Kulang pa
ang upa, kulang pa sa balik-taya

ng higit isang dekada ng matrikula
at hinayang sa hindi pagiging una.

Kaya kuwentahin natin ang utang
na loob na tatanawin mo hanggang

matapos ka. Suliranin maging sarili
nananaginip na sa bangungot lalagutin.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s