Sana may katawan
akong mahahagkan
ngayong gabi,

katawan lang,
hindi na kailangan
ng puso

sapagkat matagal na itong
pinaglipasan, pinabigat,
at pinalayas ng taglagas.

Sana malagas na rin
ang lahat ng damit ko
parang mga dahong

nililisan ang nangangayayat
kong kaluluwa. Sa lagaslas
nitong hininga, patuloy

na hinihiling
na hindi na ikaw
ang laman

ng bawat halinghing, panaginip.
Iba na lamang. Wala na lamang.
Bakasakaling tuluyan na

akong maging manhid, baliw,
lango sa hamog
ng iyong mga salitang

kinailangan kong marinig
nang paulit-ulit
sa aking pag-iisa:

nakakabalisa ka, nakakatakot,
nakakabalisa ka, nakakatakot,
nakakabalisa ka, nakakatakot

mula sa Projection (2017)
5 Agosto 2017
Ikoma-shi, Nara

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s