Kaizen [改善]

Para saan ang mga tulay? Sapagkat rumurupok ang kahoy sa tubig-alat matapos ang ilang dekada, salain ang buhangin, magmina ng mga pinagsasamang kongkreto at aspalto. Bawal ang mga malalaking bato. Salain muli. Sukatin hanggang sa pinakapinong materyal. Sa pagtumbas natin ng bawat bilang, higit na tumitiyak ang mga salita: sentro ng grabedad, sentimetro, intensidad. Kung ipagpapabukas pa ang prosesong ito, wala nang tulay. Tapos ang proyekto. Hindi na makabubuo pa ng mga tulay. Tuluyan nang matatapos dito ang pangarap na may maipagmalaking estruktura.

ganito gumana:

ang program ang tula:

sa ilaw at wala:

Matagal na itong dapat buo, kinakailangan ko pang magsagwang mag-isa sa maliit na bangka upang makatawid sa kabilang isla. Tuwing Hunyo o tuwi-tuwinang lindol, lumalamon (na)ng buhay ang mga alon, hindi natatapos hanggang may sampahang dalampasigan o daungan. Huli na nang kanilang malaman ang pagdagsa nito sa madaling-araw noong Marso. Mabilis kumalat ang balita, ngunit matagal bago dumating ang tulong. Para saan ang pagtawid?

ilaw wala ilaw ilaw wala wala wala         ilaw ilaw ilaw ilaw ilaw—

Napupundi ang mga bumbilya matapos manalasa ang bagyo at tangayin sa kabilang baryo ang mga kawad ng kuryente. Bago matapos ang Setyembre, isang buwang paghupa ang katumbas ng anim na oras na ulan, at mapalitan ang mga ilaw na nagsibasagan. Inanod ang kanilang tahanan sa rumaragasang daluyong, at lahat nakasubaybay, nagigitla. Anino lang ang kumukupkop sa mga bangkay na humalo sa mga plastik, goma, putik, latak at lata sa tumitigas na lupang nabubuo bilang isla sa gitna ng ilog. Wala nang katawang tutukuyin, wala nang araw na bibilangin. Magpapatuloy ang pananahimik—

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s