She Lies in Bed

I | Metapisika ng/sa Kama

1. Ang kama ang arena ng mga posibilidad sa pagtutulay ng pagkamulat at panaginip, ang entablado ng pagpapalabas ng mga masidhing damdamin, pagtatagpo at paglayo ng mga katawan, malawak na larangan ng pagtingin sa maliit na espasyo ng kuwadro: ano at sino ang nasa at wala sa kuwarto, ang pagkumot ang pagtitig, ang paghubad ang pagpikit, ang paggamit ng kumot na tabing upang makatagos sa panibagong yugto, daigdig, mula sa pagkahimlay sa isa patungo sa pagkabangon sa kabila.

2. Sa kama naglalaan ng patlang: naliligayahan sa kung sinuman o anuman ang nasa ibabaw, natatakot sa halimaw na nasa ilalim, nalulungkot sa kung anuman ang nawawala at naririto, sapagkat sa mga patlang na pinipiling punan nakasalalay ang sarili.

3. Hindi na kinakailangang umalis pa ng kama upang maging sinuman/anuman ang nais mong maging. Kinakailangan lang pumikit at managinip. Paulit-ulit na patayin ang anumang kasinungalingan sa isip upang sa huli, magkatotoo na rin paggising. Sa pagsikat, walang ibang masisilayan kundi ang liwanag ng mga kamera at ang labo ng ilusyon. Tanghalan ang iyong kama ngayong isinapubliko mo ang anumang espasyong pribado.

4. Nasa sa iyo kung papaano mo gagamitin ang sariling kumot sapagkat ikaw lamang ang may hawak nito. Walang masama kung hindi ka naman mahihiya at magpapakita ka ng balat, ng maseselang kasuotan. Wala ring masama kung isang araw, naisipan mong magtalukbong sa sandali ng kahinaan. Ito ang pananggalang mula sa mga matang walang ibang ginawa kung hindi ang magmanman.

II | Bukang-Liwayway ng Kasinungalingan

1. Nakahimlay sa kama ang kasaysayan. Sa kanyang salaysay: kutson sa gitna ng silid, nakasalampak sa sahig. Marahas sa labas ng 176 Stanton Street, walang magnanasang pumansin sa katawang balot ng damit. Bago siya magsimula sa pagsisinungaling, kailangan niya munang hubarin ang anuman at sinumang matagal na niyang kapiling: walang ibang tauhan kundi ang sarili at ang dilim.

2. Ang Kasikatan: ang liwanag ng araw. Hindi lamang ito payak na pagbulag. Wala nang kumot upang pagtakpan ang balat. Nag-aapoy ang init ng pagnanasang makasilip ang lahat. Wala nang pribado. Kaya susubuking takpan ang mga mata. At tatakpan ang katawan ng mapang-akit at mamahaling damit, mga alahas na pinaniningning ng liwanag. Dahil nakabilad na sa kasikatan ang pinaglalagyan ng kama at ng nakahiga, mabilis matutong masanay.

(Itutuloy)

LYRIC NOTES:
The Fame (2008)

Crazy, get your ass in my bed, Baby, you’ll be just my summer boyfriend

Summerboy
The Fame Monster (2009)

I wanna Just Dance, but he took me home instead. Uh oh, there’s a monster in my bed.

Monster
ARTPOP (2013)

You always fancy me ’cause there’s only one man to love, but in the bedroom the size of him’s more than enough

Aura

Let’s take off to a(hh) new dimension, in your bedroom

Venus

Throw me, on the bed. Squeeze, tease, and please do what I said!

MANiCURE

When I lay in bed I touch myself and I think of you … Let’s white-glove the bed. Help me here.

Sexxx Dreams

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s